Sunday, January 12, 2020

Hakbang ng LTFRB na bawasan ang bilang ng mga rider ng Angkas, makatwiran ayon sa isang mambabatas

Makatwiran lamang ang hakbang ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board o LTFRB na bawasan ang bilang ng mga Angkas Riders mula sa 10,000 sa dating 30,000.
Ayon kay PBA Partylist Jericho Nograles, nakabinbin pa sa kongreso ang panukalang batas na gawing legal ang motorcyle-for-hires gaya ng Angkas na ngayon ay nag-ooperate sa Metro Manila at Metro Cebu.
Kaya ayon kay Nograles, may ligal na basehan ang gobyerno na bawasan ang bilang ng mga test vehicles nito at wala pa aniyang karapatan ang Angkas na talagang mag-operate dahil provisionary pa ito.
Sinabi pa ng mambabatas na dapat pa ngang magpasalamat ang Angkas dahil pinapayagan silang mag-operate kahit wala pang batas na sumasaklaw sa kanila matapos lumutang ang isyu na sila ay 99% owned ng Singaporean National na si Angeline Tham.
Kaugnay sa isyu ng foreign ownership sa Angkas, nagbabala naman si Nograles na maaari itong gawing basehan ng LTFRB para itigil ang kanilang operasyon dahil malinaw na paglabag ito sa Konstitusyon.