Thursday, January 09, 2020

DOFW, tiyak na na ipapasa ng Kongreso, ayon kay Speaker Cayetano

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na isasabatas ng Kongreso ang Department of Overseas Filipino Workers upang madaling maisaayos ang problema ng bawat Filipinong manggagawa sa ibang bansa tulad ng nagaganap na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Speaker Cayetano kabilang din sa bibigyang prayoridad ng Kongrso ang pag apruba sa department of disaster resiliance at department of water upang mabigyan ng maginhawang buhay ang bawat mamamayang Filipino.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Speaker Cayetano kasama sina
Senator Christopher Bong Go at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa paglulunsad ng Malasakit Center sa Taguig-Pateros District Hospital sa Taguig City.
Ang Masalakit Center, isang inter-agency one stop medical services and assistance facility na siyang tutulong upang madaling maisaayos ang mga dokumento medikal ng mga pasyente.
And Malasakit Center sa Taguig-Pateros District Hospital na pinonduhan ng administrayong Duterte ng halagang P5 milyon piso ay karagdagan sa kabuuang 74 na naitayong centers nationwide, kabilang na ang 28 centers sa ospital na pinangangasiwaan ng mga local government units.