Ponahayag ni Speaker Alan Peter Cayetano na makikipagtulungan ang Kamara de Representantes sa Department of Trade and Industry (DTI) upang lalong mapabilis ang pagsasabatas ng panukala na magre-regulate sa mataas na singil sa mga kargamento sa barko upang matulungang mapababa ang singil para sa pag-angkat at mapababa din ang presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Cayetano ang mataas na singil sa mga kargamento na ipinatutupad ng mga international shipping lines, ay sobra-sobra na nauuwi sa pagtaas ng presyo ng imported raw materials at iba pang produkto.
Napupwersa aniyang magbayad ng malaking halaga ang mga Local producers ng import raw materials kaya't napipilitan silang itaas din ang presyo ng kanilang produkto, resulta ng pagtaas ng presyo para sa domestic consumers.
Sanabi ni Cayetano na ang prinoprotektahan ng panukalang batas ang mga consumers.
Malaking tulong din ito, dagdag pa ng House Leader, para sa gobyerno na mas lalong mapabuti ang koleksyon sa buwis.