Thursday, January 09, 2020

Cayetano: Kapakanan ng mga OFW sa Middle East, tututukan ng pamahalaan

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment and Natural Resources Sec. Roy Cimatu para tutukan ang problema ng mga Overseas Filipino Workers na naiipit sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Cayetano hindi maaaring maghaka haka sa sitwasyon ngayon sa Gitnang Silangan.
Naghahanda na aniya sila sa Kongreso para sa mga posibleng suggetions sa contigency plan kung may mangyayari nga sa Middle East sakaling ipilit ng pangulo ang special session.
Batid ni Cayetano na nagkaroon na ng mga pagpupulong ang Foreign Affairs department kasama ang ilang mga ahensiya upang pagplanuhan ang repatriation ng mga OFW sa Gitnang Silangan.