Nanindigan si House Speaker Alan Peter Cayetano na wala siyang ibinulsa o kinita sa ano mang pondo na may kaugnayan sa hosting ng Pilipinas para sa 30th SEA games.
Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa pagdalo nito bilang panauhin sa 44th Philippine National Prayer breakfast na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City kanina.
Sinabi ni Cayetano na ni singkong duling ay wala siyang kinita sa SEA games at sa katunayan aniya ay abonado pa nga sila sa PHISGOC ng magkaroon ng dalawang buwang delay sa sahod ng mga empleyado nito dahil sa pagkakaantala ng pondo.
Ayon pa kay Cayetano, hindi siya natatakot na humarap sa anumang imbestiyasyon dahil malinis ang kanyang konsesnya ngunit labis siyang nasasaktan dahil sa kabila aniya ng kanilang pagpupursige sa SEA Games ay napakaraming mga naglalabasang fake News na ibinabalita pa ng ilang media.
Aminado si Cayetano na may nangyari sa pagsundo ng mga players ng ibang bansa savairport kung saan hindi na bago ito dahil nangyari na umano ito sa kanila ni pangulong Duterte na 30 minuto silang nag antay sa ibang bansa.
Dahi dito, hinikayat ni Cayetano ang lahat na sama samang magdasal at magkaisa tungo sa ikatatagumpay ng hosting ng bansa.