Nananawagan ngayon si Albay Rep. Joey Salceda na hayaan na lamang ang Senado na mag-imbestiga sa perfomance ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC para sa 2019 SEA Games.
Sinabi ni Salceda na posibleng hindi umusad kung may resolusyon na ihahain sa Kamara para imbestigahan si House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ring Chairman ng PHISGOC.
Ayon kay Salceda, nakahanda ang mga kongresista para suportahan ang kanilang Speaker dahil nakita nila kung paano pinaghandaan ng huli ang SEA Games.
Kumpiyansa ang mambabatas na magkakaroon ng pagbabago sa sentimyento ng publiko sa opening ceremonies ng SEA Games sa November 30.
Matatandaang sinabi kamakailan ng Malakanyang na isa si Cayetano sa iimbestigahan sa mga nangyaring aberya sa pinakamalaking sporting event sa bansa ngayong taon.