Nanunpa kahapon ang pangalawang kinatawan ng Marino partylist na si Represenatative Macnell Lusotan sa isang plenary session ng Kamara de Representantes sa harap ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa pag-resume ng sesyon ng Kongreso matapos ito ay mag-recess.
Kadarating lamang kahapon nina Lusotan at ng isa pang kinatawan ng Marino partylist na si Representative Sandro Gonzalez galing sa Davao City matapos ang mga ito mag-distribute ng relief goods sa mga biktima ng lindol na yumanig sa Mindanao.
Sinabi ni Gonzalez na handa at sa katunayan nga ay naging active na si Congressman Macnell sa pag-panilbihan sa kanilang constituents mula pa noong Day One nang ang kanilang partylist ay manalo ng iilang upuan sa Kongreso at ang kanyang presensiya ay nakapag-bibigay ng inspirasyon sa kanilang mga pagsisikap na makapag-gawad ng tulong sa lahat ng larangan lalu na sa mga biktima ng lindol sa kasalukuyan.
Ayon naman kay Lusotan, matapos niyang masaksihan ang mga damage na dulot ng lindol, siya ay umaasa na madagdagan pa ang quantity at quality ng ayuda na kanyang makalap at maigawad sa mga biktima ng lindol sa pamamagitan ng kanyang pagiging kinatawan sa Kongreso.
Sa huli, nananawagan ang dalawang mga representante ng nabanggit na partylist sa pamahalaan na i-facilitate ang assistance at i-konsidera na ang mga evacuees ay mabigyan ng kagyat at permanenteng matuluyan at matirhan sa lalung madaling panahon.