Naniniwala si Albay Rep Edcel Lagman na isang "patibong" lamang ang pagkakatalaga ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sinabi ni Lagman na magkaiba ang saklaw ng tungkulin ng Co-Chairman ng ICAD kung ihahambing sa naunang posisyon na inalok ng administrasyon kay Robredo bilang "drug czar."
Duda si Lagman na binigay ang posisyon kay Robredo para masira ang reputasyon nito dahil tiyak na hindi ito magtatagumpay.
Ayon pa kay Lagman, nanggaling narin umano kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino, na siyang Chairman ng ICAD na hindi magtatagumpay si Robredo sa inalok na pwesto.
Sa huli, giit ni Lagman na limitado lamang ang magiging galaw at kapangyarihan ni Robredo sa ICAD dahil kailangan pa nitong konsultahin ang Chairman at ang mga miyembro ng council sa paggawa ng mga desisyon at pagpapatupad ng mga programa kontra iligal na droga.