Naniniwala si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na tama lamang ang ginawang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang Co-Chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Paliwanag ni Barbers, nawalan na ng kumpyansa at tiwala ang Pangulo kay Robredo kaya wala nang dahilan para ipagpatuloy nito ang trabaho sa ICAD.
Wala na ring rason ang gobyerno para atasan pa si Robredo ng maseselang posisyon sa pamahalaan matapos na unahing humarap sa media at makipagugnayan sa UN at Estados Unidos gayong wala namang kinalaman ang mga ito sa problema ng bansa.
Ayon kay Barbers, inaasahan na niya ito dahil walang humpay ang pambabatikos ni Robredo sa anti-drug war ng pamahalaan.
Sa halip na magpanukala at magbigay ng solusyon si Robredo kung paano makakatulong sa kampanya kontra iligal na droga sa bansa ay siya pang numero unong bumabanat dito.