Monday, November 11, 2019

Pagbibigay ng relief assistance, patuloy pa rin na mino-monitor ng DSWD

Patuloy na nakatutok ang Department of Social Welfare and Development sa pagbibigay ng relief assistance para sa mga tinamaan ng lindol sa North Cotabato.
Katunayan, nagdagdag na ng tauhan ang DSWD Field Office 12 para umasiste sa pagbibigay ng tulong sa mga nakatira sa evacuation centers dooon.
Sa pinaka huling tala ng ahensya, nasa 11,830 na pamilya 56,646 katao ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers.
Nasa 52,728 na pamilya  257,053 katao naman ang buong bulang ng mga naapektuhan ng lindol sa 317 na barangay sa Regions 11 at 12.
Sa huling tala, nasa ₱35,262,286.92 worth of assistance na ang naibigay sa mga sinalanta ng lindol sa dalawang probinsya kasabay ng pagtiyak na magpapatuloy ang relief assistance ng gobyerno hangang sa makabawi ang mga apektadong residente.