Tuesday, November 26, 2019

Pag-oobliga sa paglalagay ng rainwater harvesting facilities sa bawat proyekto sa Metro Manila, lusot na Komite

Lusot na sa House Committee on Metro Manila Development ang panukalang batas na mag-oobliga sa paglalagay ng rainwater harvesting facilities sa lahat ng development projects sa Metro Manila.
Sakop ng unnumbered bill ang lahat ng mga public, private, commercial, institutional, at residential developments sa loob ng kalakhang Maynila sa layong mabawasan ang matinding pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.
Sa ilalim ng panukala, ang Department of Human Settlements and Urban Development at mga Local Government Units o LGUs ang naatasang magmonitor kung sinusunod ba ang kautusan.
Hawak din ng LGUs ang pasya kung ire-revoke ang building permit ng mga developers na bigong sumunod sa panukala.
Hindi bababa sa P500,000 na multa sa loob ng isang taon ang kakaharapin ng mga developers na walang rainwater harvesting facilities.