Tuesday, November 26, 2019

Nakatakdang atas na pagbubuwis ng bubuuing Department of Water Resources, lusot na sa Committee on Ways and Means

Nakalusot na sa House Committee on Ways and Means ang probisyon sa Department of Water Resources (DWR) na nagtatakda ng buwis at iba pang singil sa bubuuhing departamento.
Inaprubahan ng komite ang Section 30 ng panukala na nagtatakda sa regulatory unit ng patas at rasonableng pagtatakda ng tariff rates at iba pang charges sa serbisyo sa tubig, pagkakabit ng koneksyon sa tubig, pagkakaroon ng waste water treatment facility at water management.
Ang Water Regulatory Commission ang siyang magtatakda ng singil sa buwis batay sa rate-setting methodology at bayarin sa serbisyo na siya namang inaprubahan ng kalihim ng DWR.
Tinitiyak ng probisyon ang katatagan ng ekonomiya gayundin ang return of investment ng bansa.
Ang pagtatatag ng DWR na nauna nang inaprubahan sa komite ang siyang magiging pangunahing ahensya na responsable sa pamamahala ng mga water resources .