Wednesday, November 20, 2019

Mandatory Driver's Re-education Program, isinusulong sa Kamara

Isinisulong ngayon ni Ilo-ilo 3rd Rep Lorenz Defensor sa Kamara ang panukala na layong isailalim sa re-education program ang lahat ng mga driver na naisyuhan ng lisensya ng Land Transportation Office o LTO.
Batay sa House Bill 3196 na inihain ni Defensor, ang mga driver na nagmamaneho ng lahat ng klase ng motorized vehicles ay oobligahin na sumailalim sa isang araw na mandatory re-education program isang beses kada limang taon.
Nakasaad din sa panukala na ang mga driver na dadaan sa naturang programa ay bibigyan ng certificate of attendance na magiging requirement naman para sa pagrerenew ng lisensya.
Kaugnay nito ay aatasan din sa ilalim ng panukala ang Strategic Planning and Policy Group ng LTO na bumuo ng modules ng programa na saklaw sa Basic LTO policies at mga roadsafety regulations.
Batid ni Defensor na mayroon nang Drivers Academy ang LTO sa ngayon pero hindi anya ito sapat kung ang pagbabasihan ang tumataas na bilang ng mga naitatalang aksidente sa kalsada na sanhi ng human error.