Positibo si House Speaker Alan Peter Cayetano na mas maagang maisasabatas ang P4.1 T proposed national budget bill para magkaroon pa ng panahon ng kongreso na maaksyunan ang mga nakabinbing na panukalang batas bago ang session break sa December 18.
Sinabi ni Cayetano na susundan ng mga kongresista ang timeline ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na isagawa ang budget bi-cam sa huling linggo ng Nobyembre.
Dahil diyan, target ng kongreso na mai-transmit sa Office of the President ang budget bill sa December 5 para makagawa pa ng ibang accomplishments ang mga mambabatas sa natitirang session days bago ang holiday break.
Kaya naman magpupulong ngayong araw ang house small group na siyang tumanggap sa individual amendments ng mga kongresista sa General Appropriations Bill o GAB para magpasya kung kailangan pabang magconvene ng mas malaking meeting ang kamara para tulungan sa paghahanda ang Committee on Appropriations sa bicam.
Sa kabila niyan ay tiniyak ni Cayetano na malinis sa pork barrel insertions ang pambansang pondo sa susunod na taon.