Pinasisiyasat ni Cavite Rep Elpidio Barzaga sa House Committee on Youth and sports ang aniya’y "sorry state" ng mga Pinoy athletes sa bansa.
Sa House Resolution 505 na inihain ni Barzaga, nais nitong paimbestigahan kung totoong bang nakakatanggap ng kinakailangang tulong mula sa pamahalaan ang mga atleta sa bansa.
Sa kabila kasi ng sinasabing financial support ay may mga nagrereklamong national athletes na hindi sapat ang natatanggap nilang allowance at tulong mula sa gobyerno na dahilan ng pag-alis ng mga magagaling na atleta sa bansa.
Partikular dito ang kaso ng Filipino Chess Grand Master Wesley So, na nagchampion sa World Fischer Chess Championship sa ilalim ng bandila ng Amerika matapos na madismaya sa sistema ng sports sa Pilipinas.
Ayon kay Barzaga, umaasa siya na sa pamamagitan ng naturang imbestigasyon ay masisiguro kung angkop ang mga umiiral na batas para mga atleta at kung alin sa mga ito ang dapat ng repasuhin.