Tuesday, November 19, 2019

Gobyerno, inaasahang kikita ng P45 Bilyon kada taon sa pagbubuwis sa POGO

Inaasahang kikita ang gobyerno ng P45 Billion kada taon sa pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kada taon. 
Ito ay matapos aprubahan kahapon ng House Ways and Means Committee ang House Bill 5257 o ang pagpapataw ng buwis sa mga POGO na nag-o-operate sa bansa. 
Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, hindi hamak na mas maganda ang POGO tax kumpara sa ASIN tax dahil hindi masasagasaan ang ordinaryong mamamayan. 
Sa ilalim ng panukala, papatawan ng 5% franchise tax ang annual gross income ng mga POGO. 
Papatawan din ng 25% withholding tax sa mga POGO workers na may minimum threshold na P600,000. 
Nakasaad din sa panukala na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mag-i-isyu ng lisensya sa mga POGO hubs na nakaregister sa Bureau of Internal Revenue (BIR). 
Sa kasalukuyan ay P2.2 Billion lamang ang kinikita ng gobyerno kada taon mula sa mga POGO dahil sa regulatory fee na sinisingil ng PAGCOR.