Hiniling ni Marikina Rep. Bayani Fernando na gawing "mabuhay lanes" o express routes ang lahat ng daan sa Metro Manila.
Sinabi ni Fernando na dating MMDA Chairman, dapat na linisin ang lahat ng daan at kalye sa lahat ng uri ng obstruction para gawing mabuhay lanes.
Sa Metro Manila lang aniya ay mayroong 5800 kms pero 20% lamang ng mga kalye ang nagagamit.
Maliban dito, pinabibigyang prayoridad din ni Fernando sa MMDA ang mga bus sa EDSA.
Aniya, dapat na hinahayaang tumakbo ang bus sa mga EDSA dalawang beses na mas mabilis kumpara sa ibang sasakyan.
Sinabi nito na kahit nakastoplight ay titigil ang ibang mga sasakyan habang ang bus ay puwedeng tuluy-tuloy.
Katuwiran ng mambabatas, mas marami kasing dalang tao ang bus at maaari ng iwan ng mga tao ang kanilang sasakyan dahil may mas mabilis na alternatibong transportasyon.