Wednesday, November 20, 2019

Department of Disaster Resilience Bill, lusot na sa committee level sa Kamara

Ipinasa na kahapon sa committee level sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magtatag ng Department of Disaster Resilience matapos nga ang sunod-sunod na pagtama ng kalamidad sa Pilipinas.
Ang panukala ay pasado na sa House Committee on Government Re-organization na layong magtatag ng bagong departamento na siyang tututok sa disaster preparedness ng pamahalaan.
Ito ay maglilipat ng kapangyarihan ng Pagasa, Phivolcs, Mines and Geosciences Bureau at ng Bureau of Fire Protection dito sa naturang panukalang departamento para lalong mapaigting ang paghahanda at pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
Matatandaan na ang DDR bill ay isa sa mga nabanggit ng Pangulo sa kaniyang 2019 SONA na dapat ipasa sa lalong madaling panahon ng Kongreso.