Kinumpirma ni Phiippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na may mga tao na gusto siyang siraan at ang administrasyon Duterte sa hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.
Sa kaniyang pagdalo sa 44th National Prayer Breakfast sa Clob Filipino sa San Juan, sinabi ni Cayetano na kilala nito ang mga nasa likod ng smear campaign na layong siraan at i-descredit ang pamahalaan sa international community.
Nagbanta naman si Cayetano na isisiwalat niya ang lahat ng kaniyang mga nalalaman pagkatapos ng SEA Games at nagbanta na kakasuhan ng PHISGOC ang mga ito.
Samantala, iginiit ng lider ng Kamara na kusa itong haharap kung ipapatawag sa anomang imbestigasyon at hinamon ang mga kritiko na gawin siyang accountable sa kalalabasan sa hosting ng bansa sa SEA Games.
Matatandaan na inulan si Cayetano ng batikos bilang chairman ng PHISGOC matapos ang kaliwat kanang aberya na naranasan ng mga banyagang atleta nang dumating ang mga ito sa bansa bukod pa sa isyu sa pagkain at accomodation ng mga SEA Games Athletes.