Presidential Electoral Tribunal ( PET), hinimok ng isang kongresista na tapusin na ang padinig sa 2016 Vice Presidential electoral protest
Nanawagan si Magdalo Party-list Rep. Manuel Cabotchan sa Presidential Electoral Tribunal o (PET)na tapusin na ang deliberasyon sa 2016 vice presidential electoral protest.
Ayon kay Cabotchan, dapat ilabas na ng korte Suprema ang pinal na desisyon hinggil sa protesta na inihain ni dating Senator Bongbong Marcos kay Vice President Leni Robredo.
Giit ni pa ng mambabatas habang tumatagal ang delay sa proseso ay lalo lamang aniyang gumulo ang isipan ng publiko at ng dalawang panig hinggil sa kaso.
Dagdag pa ni Cabotchan dapat din aniyang matuldokan na ang kumakalt na spekulasyon hinggil sa recount ng boto dahil nakakaapekto lamang ito sa dignidad nagdaang halalan.
Si Cabotchan ay isa lamang sa mga taga supporta ng pangalawang pangulo sa kamara na mariing tumututol sa mga balitang nanalo na si Marcos sa electoral protest laban kay Robredo.