Ipinagabunyi ni Marino Partylis Rep Sandro Gonzalez ang pagkaka-release ng bansang Iran sa isang Filipino seafarer na nagsilbe bilang first officer ng isang British-flagged na oil tanter na nadetine magmula noong buwan ng Hulyo.
Ang nabanggit na oil tanker ay dinitine ng Iranian Revolutionary Guards ngunit ito ay naka-alis din sa Iranian waters at nakadaong na ngyon sa Dubai.
Sinabi ni Gonzalez na ang naturang aksiyon ng Iranian government ay magandang development para sa iba pang mga Filipino tugboat crewmember na naaresto rin dahil diumano sa fuel smuggling.
Nauna rito, sinulatan ni Gonzalez si Iranian Ambassador to the Philippines Mohammad Tanhei para himingi ng tulong para sa mabilis na paglitis sa mga detinadong seafarer at tinugunan naman ito ng embahador ng positibo.
Umaasa si Gonzalez na ang insidente, bagama’t ito ay nagkaroon ng happy ending, ay makapagpapakita na tunay na peligroso ang buhay ng mga seafarer at maging hudyat na para makakalap ng suporta para sa Magna Carta for Seafarers na siya namang inaasahang makatutulong sa kanila habang sila ay sumusuong sa hirap doon sa laot.