Balak ngayon ni House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chair at Iligan City Lone District Rep. Frederick Siao na isulong sa kamara ang panukala na layong mag obliga sa mga government officials na mag commute tuwing lunes.
Ayon kay Siao, ang bill na ito ay tatawagin na Public Servants' Commuting via Public Transport Act kasunod narin ng ginawang pag commute ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung saan inabot ito ng halos apat na oras na byahe mula Marikina hanggang Malakanyang noong Biyernes.
Paliwanag pa ni Siao bukod sa mababawasan ang mga sasakyan sa kalsada ay nais din ng panukala na ipabatid sa mga opisyal ng pamahalaan ang hirap na nararanasan ng publiko sa pag commute araw-araw.
Pagtitiyak ng kongresista Kapag naisabatas ang naturang bill ay makakaasa aniya ang publiko na mas mamadaliin ng mga government officials na solusyunan ang problema sa transportasyon.