Friday, September 27, 2019

Values Formation Program, ipinanawagan na suportahan ng mga Catholic Schools sa buong bansa

Nananawagan si Ombudsman Samuel Martires sa lahat ng mga Catholic Schools sa bansa na suportahan ang Values Formation Program na kanilang ini-endorso ngayon sa lahat public colleges and universities.
Ang panawagan ay ginawa matapos lumagda kahapon sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Commission on Higher Education, Office of the Ombudsman (OMB) at ang University of the Philippines (UP) System para e-promote ang pagtuturo ng values at moral formation sa mga estudyante.
Ayon kay Martires, wala ni isang Catholic School ang tumugon sa kanilang panawagan na suportahan ang "ethics education" kaya patuloy siyang nananawagan sa mga ito lalo na sa mga malalaking institusyon sa bansa.
Punto ni Martires, mahalaga na maipamulat sa mga estudyante ang kagandahang asal, pagdisiplina sa sarili, katapatan at pagka- makadiyos na magagamit ng mga ito sa kanilang pagtanda.
Sa huli, nagpapasalamat naman si Martires sa pamunuan ng UP dahil sa kabila ng mga batikos sa nasabing institusyon dahil sa pagtuturo umano ng komunismo sa mga estudyante ay ito pa ang unang tumugon sa kanilang panawagan.