Sinimulan na kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang budget deliberations para sa House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill.
Sinabi ni House Appropriations Committee Chairman at sponsor ng 2020 GAB na si Rep Isidro Ungab, adhikain ng panukalang P4.1 Trillion 2020 Budget na maibalik sa publiko ang mga nakolektang buwis ng gobyerno sa papamagitan ng mga programang nakapaloob dito.
Tiniyak din ni Ungab na ang mga proyekto sa budget ay target na massolusyonan ang problema sa kahirapan at inequality sa bansa
Ayon pa sa kanya, partikular umano rito ang mga na nakapaloob sa 20 year Philippine Development plan na inaasahang magdadala ng 6% hanggang 7% na paglago sa ekonomiya.
Idinagdag pa nito na umaasa siya na mabilis na maipasa ang pambansang pondo bago mag-adjourn ang Kongreso sa October 4. sa tulong ng minorya.
Samantala, unang isinalang sa plenary debates kagabi ang budget ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kinabibilangan ng DBM, NEDA, DOF, at LEDAC.