Hinimok ng Kamara ang mga Barangay Health Workers sa buong Pilipinas para makatulong sa Department of Health (DOH) upang masugpo ang pagkalat ng Polio Virus sa bansa.
Sinabi ni BHW Partylist Rep. Nica Co, mainam na magkaroon ng close coordination ang mga BHW sa Health Depatment upang maagapan sa ground ang mga pinoy na may sintomas ng naturang virus.
Nakikipag-ugnayan narin si Co kasama ang BHWs sa buong Pilipinas para sa aktibong information campaign kasama ang mga Local Government Units (LGU) para ituro ang tamang kalinisan at hygiene lalo sa mga mahihihirap na lugar sa bansa kung saan prone pagmulan ng ibat-ibang sakit.
Tinitingnan din ng mambabatas ang pagbibigay ng supplemental funds sa DOH para sa epektibong implementasyon ng mga programa kontro polio.
Sa kasalukuyan, ay patuloy ang panawagan ng administrasyon sa mga magulang na pagkatiwalaan ang vaccination program ng pamahalaan dahil ito lamang ang proteksyon na maibibigay ng estado para sa kabataan laban sa mga nakamamatay na sakit sa bansa.