Sa paggabay ni House Speaker Alan Peter Cayetano, iniulat ni Committee on Appropriations Chairman at Davao City Rep Isidro Ungab na nakompleto na, in record time, ang mga pagdinig sa 2020 budget proposal ng lahat na mga government department agencies at mga tanggapan.
Sinabi ni Ungab na naging posible ang kanilang mga isinagawang hearing sa paggabay ni Speaker Cayetano dahil nais nito seguraduhin na maipasa sa Kamara ang pork-free park-free at insertion-free budget na magbibigay ng safe at komportableng buhay sa mga mamamayang Filipino.
Ayon pa kay Ungab, innovative idea ni Speaker Cayetano na i-adjust ang plenary schedule upang ma-accommodate ang apat na budget briefing kada araw na kanilang isinagawa.
Idinagdag pa nito na ideya umano ng House Speaker na hilingin sa mga Vice Chairman ng Committee on Appropriations at ng kanilang mga team na ituloy nila mga hearing matapos ang mga ito pormal na buksan ng Chairman.
Matatandaang noong isinumite ang National Expenditure Program para sa Fiscal Year 2020 kina Speaker Cayetano, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Chairman Ungab at iba pang mga lider ng Kamara de Representantes, sinabi ng Speaker na gagawin nila ang mga adjustment ng plenary schedule para mabigyan ng panahon ang mga mambabatas upang ma-scrutinize at ma-deliberate ng maayos ang panukalang P4.1-trillion 2020 national budget.
Pinasamatan din ni Ungab ang iba pang mga miyembro ng Kamara na tumugon sa kanilang pang-araw-araw na atas upang makatulong sa pag-study at pag-review ng mga budget proposals ng ibat-ibang departamento at ahensiya ng pamahalaan para malaman ang kahalagahan ng kanilang mga proyekto at mga programa.
Ayon naman kay Deputy Speaker Neptali Gonzaalez II, naka-eskedyul na silang mag-umpisa ng kanilang plenary budget debates sa ika-19 ng Setyembre at ito ay advance na sa dating eskedyul dahil din umano sa inesyatibo ni Speaker Cayetano.