Thursday, September 12, 2019

Speaker Cayetano: Pagbabalik ng mga na-veto na provision doon sa 2019 budget ay mahirap

Inamin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mahihirapan silang pagbigyan ang hirit ng ilang mga kongresista na maibalik sa 2020 budget ang na-veto na multi-billion infrastructure project para sa mga proyekto ngayong 2019.
Ayon kay Cayetano, muling pinalutang ang isyung ito sa kanilang caucus bago maisalang sa plenaryo ang P4.1 Trillion budget.
Aminado si Cayetano na mahirap na mangako sa mga mambabatas na maibabalik ang na-veto na budget ngayong taon na aabot sa P95 Billion dahil hindi pa alam kung saan huhugutin ang pondo.
Dahil dito, tinanggihan na ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab ang hiling din ng mga mambabatas.
Kakailanganin nilang makipagugnayan muna sa ehekutibo para umapela sa hirit na ibalik ang mga na-veto na pondo.
Kapag nakausap na nila ang ehekutibo ay maaaring piliin at irekomenda na sa 2021 budget na isama ang mga nabawas na pondo kung mayroong available funds at maaari din magpasa ng supplemental budget.