Tuesday, September 03, 2019

Speaker Cayetano: Gusot kaugnay sa 2020 National budget plantsado na

Sinabi ni ni House Speaker Alan Peter Cayetano na naayos ang mga issuue at  gusot sa kamara kaugnay sa 2020 General Appropriations Bill (GAB).
Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos itong makipagpulong sa mga opisyal ng House Committee on Appropriations at kay House Deputy Speaker for Finance L-Ray Villafuerte na nag mosyon na ipabawi ang  inihaing 2020 budget bill ni  Appropriations Chair Isidro Ungab noong myerkules dahil sa ito umanoy pre mature pa. 
Matatandaang sinabi ni Ungab na may gusto lamang na isingit sa pondo si Villafuerte kaya nito pinabawi sa first reading at pinaamyendahan ang 2020 budget.
Ngunit ayon Cayetano,  sa isinagawang meeting kahapon ay maayos namang napagusapan  ang hindi pagkaka unawaan sa pagitan nina Ungab at Villafuerte at muli nitong iginiit na walang lugar ang Pork Barrel at Parking Funds sa 2020 national budget. 
Kaugnay dito, umaasa parin ang liderato ng Kamara na maipapasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2020 GAB sa unang linggo ng Oktubre na transparent, legal at constitutional.