Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na patuloy pa rin nilang tinutugunan ang bumababang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa proposed budget ng DepEd sa 2020, lumalabas na nagkaroon ito ng low proficiency level sa National Achievement Test o NAT.
Dahil dito, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na kasalukuyang nilang nire-review ang curriculum mula kindergarten hanggang senior high school para maisaayos ang alignment sa content standards, performance standards, at competencies.
Pinagsusumikapan din aniya ng ahensya na isailalim sa training programs ang mga teacher para iangat ang kanikang kapasidad.
Idinagdag ng kalihim na sa kasalukuyan ay 900,000 ang mga guro sa bansa habang higit 27 million ang mag-aaral kaya kailangan pang tugunan ang pag-mobilize sa teaching personnel.