Iminungkahi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na tokhangin na rin ng gobyerno ang mga private rice trader
Sinabi ni Salceda na ang mga rice trader ang pumapatay sa industriya ng pagsasaka lalo na ng bumaba pa ng husto ang presyo ng palay sa P7 sa kada kilo.
Dahil dito, pinahahabol ni Salceda sa Philippine Competition Commission, NBI at BIR ang mga abusadong rice traders.
Inirekomenda din ni Salceda na buksan ang mga warehouse ng mga probadong rice trader at silipin ang kanilang mga rice imports upang makita ang mga aktwal na paglabag sa batas gaya ng economic sabotage.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, malinaw na ang mga rice traders lamang ang nagbi-benipisyo sa batas dahil binigyan sila ng kaluwagan sa pag-aangkat ng bigas at inilalabas lang nila ang suplay kapag mataas na ang presyuhan sa merkado.
Sa kasalukuyang pangyayari, bukod sa mga kawawang magsasaka ay apektado rin ang food security at tumitindi ang kahirapan sa mga probinsya.