Friday, September 20, 2019

Salceda: 2020GAB, puwede nang pumasa sa pangatlo at pinal na pagbasa bago mag-break ang Kongreso

Maari nang aprubahan ng Kamara de Representantes ang HB4228 o ang 2020 General Appropriations Bill sa pangatlo at pinal ng pagbasa matapos itong sirtipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ipinahayag ni Albay Rep Joey Salceda kahapon dahil ang panukala ay 100% na tugma sa isinumiteng National Expenditure Program (NEP) kaya ay maaari na aniya itong ipasa sa third and final reading ngayon.
Sa kasalukuyan, hindi pa nakakapasa sa 2nd reading ang 2020 GAB at patuloy pa ang plenary deliberations nito sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa naunang timeline ng Kamara, dapat maisumite sa Senado ang budget bill bago ma-break ang session break ang Kongreso sa Oktubre a4.
Nauna namang lumiham ang Malacanang kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Vicente Tito Sotto III para ipasa sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo.