Tuesday, September 17, 2019

Rep Taduran: Panukalang paglikha ng Department of OFW, pinamamadali

Nais ng mga mambabatas na madaliin ang pagpasa  ng mga panukalang batas na lilikha ng hiwalay na ahensya na tututok sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Sa joint hearing ng House Committees on Government Reorganization at Overseas Workers' Affairs, sinabi ni ACT-CIS Party-list Representative NiƱa Taduran na napapanahon nang isabatas ang Department of OFW bill para matigil na ang pang-aabuso sa mga migrant worker.
Ayon sa kanya, sa bigat ng dinadala ng mga OFW na nawawalay sa kanilang mga pamilya, nahaharap din sila iba't ibang isyu tulad ng problema sa legal na dokumento, nananakit na mga employer, at mapagsamantalang embassy personnel.
Dahil dito, kailangan na umano ng isang ahensyang ang tanging mandato ay protektahan ang kapakanan ng mga OFW na maaaring takbuhan ng mga nabibiktima sa ibang bansa.
Sinabi rin ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na marapat lamang na suklian ang mataas na remittances at ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng atinga bansa.
Sa katunayan, aniya, noong nakaraang taon ay umabot sa higit 235 billion pesos ang ipinadalang pera ng nasa 2.3 million OFWs.
Samantala, binigyang-diin naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang panukala ay resulta ng mga konsultasyon na naglalayong pag-isahin ang responsibilidad ng concerned government agencies tulad ng OWWA at POEA sa halip na paikut-ikutin pa ang OFWs at ituro sa kung sinu-sinong opisyal kapag humihingi ng tulong