Monday, September 16, 2019

Rep Sarmiento: Paggawad ng Emergency Powers sa Pangulo, muling isinulong sa Kamara

Muling isinusulong ngayo sa Kamara  ang panukala na layong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Edgar Mary Sarmiento, ang panukala ay kahintulad parin ng Traffic Crisis Act na una nang inihain noong 17th Congress.
Kaugnay nito ay inihayag din ni Sarmiento na sa ngayon ay inilalatag na nila ang  master plan para solusyonan ang mabigat na  trapiko sa bansa.
Aniya, kabilang sa nakapaloob sa plano ang pagsasaayos ng dispatch ng mga bus na gawing centralized at synchronize upang maiwasan ang loading and unloading ng mga pasahero kung saan saan.
Dagdag pa dito  ay hiniling din ng mamababatas ang kooperasyon ng mga Local Government Officials sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa harmonious implementation ng mga polisiya.
Sa huli ay nakiusap din si Sarmiento sa publiko na laging  pairalin ang disiplina sa pagmamaneho upang maiwasan ang lalong pagbigat ng trapiko sa mga lansangan.