Tuesday, September 10, 2019

Rep Jericho Nograles: May sapat na panahon ang Kongreso para magpasa ng Emergency Powers ng Pangulo

Sinabi ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na may sapat nang panahon ang Kongreso upang magpasa ng batas na magbibigay ng Emergency Powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang lumalalang problema ng trapiko sa bansa.
Ayon kay Nograles, nagpasa sila ng panukala sa Mababang Kapulungan nitong 17th Congress subalit hindi na naaksyunan ng Senado dahil sa kakapusan ng panahon kaya hanggang ngayon ay wala pang Emergency Powers ang Pangulo.
Iginiit pa ni Nograles na may sapat nang panahon ang Kongreso ngayong 18th Congress na magpasa ng batas para sa Emergency Powers.
Ipinanukala sa HB06425 ng 17th Congress ang pagbibigay ng 3 taong limit sa emergency powers sa Pangulo upang tugunan ang problema sa traffic sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
Muling inulit ng MalabaƱang ang panawagan na bigyan ng emergency powers ang punong ehekutibo.