Tuesday, September 03, 2019

Pagpayag ni Faeldon na masama sa listahan ng mga mapapalaya sa ilalim ng GCTA si Mayor Sanchez, pananagutan niya

Pinapanagot ni Gabriela partylist Rep Arlene Brosas si Bureau of Corrections o BuCor Chief Nicanor Faeldon sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang convicted murderer-rapist na si dating Laguna Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Sinabi ni Brosas na dapat maparusahan si Faeldon dahil hinayaan nito na mailagay sa release list ng GCTA si Sanchez gayong hindi naman ito qualified.
Lumalabas din na pirmado ni Faeldon ang release papers ni Sanchez.
Ayon kay Brosad, mistulang sinampal at dinuraan ng Bucor ang pamilyang Sarmenta at Gomez dahil sa naunang lumabas na balita na pagpapalaya sa dating Alkalde na sangkot sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpaslang kay Allan Gomez noong 1993.
Sinabi naman ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo na kung ipababalik sa kulungan ang mga napalaya sa ilalim ng GCTA ay dapat ding ikulong kung sinuman ang nagpalaya sa mga ito.
Aabot sa 1,900 na mga bilanggo na convicted sa karumal-dumal na krimen ang napalaya sa ilalim ng GCTA.