Thursday, September 05, 2019

Direktiba ni Pangulong Duterte na bumili ng palay sa mga magsasaka, suportado ni Magsasaka Partylist Argel Cabatbat

Suportado namin ang hakbang ni Pangulong Duterte na bilihin ang mga palay sa mas mataas na presyo. Isa itong pagkilala sa pagkalugi ng mga magsasaka, at sa mga problemang idinulot ng Rice Tariffication Law.
Pero kailangang ilatag kung gaano kabilis itong magagawa, dahil halos maghingalo ang NFA sa patapos ng kanilang procurement targets noong 2018. 
Sana rin malinaw kung saan niya kukunin ang perang pambili ng palay, kasi walang perang inilaan para sa agricultural crisis na ito.
Kailangang magkaroon ng malinaw na sagot ang mga tanong na ito, dahil ayaw nating umasa na naman ang mga magsasaka sa isang pangakong hindi matutupad.