Tuesday, September 03, 2019

DepEd USec Pascua, umaasa na madaragdagan ang podo para sa School Building Program

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na sanay madagdagan pa ang pondo ng kagawaran para sa pagpapatayo ng mga bagong paaralan sa ilalim ng kanilang School Building Program.
Sa budget briefing dito sa Kamara, sinabi ni Education Undersecretary Alain Pascua na para sa 2020 ay nasa P259 Billion ang budget proposal nila para sa nabanggit na programa subalit P36 Billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management.
Ani Pascua, mula 2018 hanggang 2019 ay nagkaroon ng budget cut sa pagpapatayo ng mga bagong class rooms kaya umaasa sila na madagdagan ang alokasyon nito sa 2020.
Sa ilalim ng 2019 budget, nasa P31 Billion lamang ang naaprubahan para sa School Building Program na isa sa mga rason kung bakit kakaunti lamang ang nadagdag na school buildings ngayong taon sa buong bansa.
Ayon pa sa kanya, bahala na ang Kongreso na magre-allocate ng pondo para sa mga bagong classrooms dahil sa patuloy narin na pagtaas sa bilang ng mga estudyante taon-taon.