Tuesday, September 03, 2019

Defensor: Nagkakaubosan na ng drugs para mga HIV patients sa DOH

Sinabi ni Anakalusugan Partylist Rep Michael Defensor na nagkakaubosan na sa Department of Health o DOH ang mga gamot para sa pang-araw-araw na daily antiretroviral therapy (ART) para sa mahigit 38,000 na mga pasiyente ng human immunodeficiency virus (HIV).
Ayon kay Defensor, inamin ng DOH sa budget briefing ng nabanggit na departamento na ang 125 na mga HIV hub sa buong bansa ay may sapat na lamang na mga drug supply nito hanggang ngayong kasalukuyang linggo, ang unang linggo ng Setyembre.
Ngunit nangako naman umano ang mga DOH official sa mga mambabatas na inaasahan daw nila ang bagong batch ng ART drugs na darating ngayong buwan na ito bagamat hindi sila makatitiyak kung kailan ang takdang araw.
Nagtataka daw siya kung bakit nakakapag-stockpile ang DOH ng bilyun-bilyon pisong halaga ng mga gamot na naging walang bisa na lamang dahil nai-expire lamang ang mga ito ngunit sa kabilang dako naman ay nauubosan naman ang departamento ng ilang mga mahahalagang gamot na kinakailangan.
Ayon sa kanya, hindi ito patas sapagkat napapagkaitan ang iilang mga pasyente na habang ginagamot ay nawawalan sila dahil hindi nakabili ang DOH ng mga kinakailangang gamot kagaya ng panggamot para sa HIV patients.
Dahil dito, iminungkahi ni Defensor na i-overhaul ng dapartamento ang pamamaraan nito sa mga plano nitong pagbili at pag-distribute ng mga gamot sa takda at tamang panahon.