Sinabi ni Magsasaka Partylist Rep Argel Cabatbat na posibleng "smuggling" ng pork products ang dahilan kung bakit nakapasok sa bansa ang African Swine Fever o ASF.
Ayon kay Cabatbat, mahigpit ang mga panuntunan ng Department of Agriculture laban sa pagpasok ng mga pork products galing sa mga bansang laganap ang ASF kaya walang dahilan para magkaroon ng ganitong swine virus sa Pilipinas.
Aniya, posibleng nalusutan ng contaminated products na naging carrier ng ASF ang mga otoridad kaya nalalagay ngayon sa peligro ang local swine industry kung saan nasa 12.5 Million na baboy ang nanganganib na makontamina nito.
Idinagdag pa ng solon na hindi nakaka-apekto sa tao ang virus subalit nilinaw niya na kahit naluto na, o na-process na ang produktong carrier ng ASF, maaari parin itong kumapit sa isang baboy sa pamamagitan ng direct body fluid contact.