Thursday, September 05, 2019

Appropriation committee executive session ukol sa napagkasunduan ng ‘Pinas at Tsina re West Philippine Sea

Magpapatupad ng executive session ang House Committee on Appropriations ngayong alas 11:30 ng umaga pagusapan kung ano ang mga napagkasunduan ng Pilipinas at China sa pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea. 
Ang hakbang ay ginawa matapos manawagan si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin sa nagpapatuloy na budget briefing ng DFA para sa 2020 proposed national budget
Ayon kay Locsin, humihingi siya ng executive session dahil hindi niya batid kung nasa posisyon siya para sabihin sa publiko ang anumang posisyon dito ng China. 
Naungkat ang isyu ng matanong ang opisyal tungkol sa panghihimasok ng mga Chinese vessels, pagtatayo ng military posts, at ang isyu na tila isinuko na ng bansa ang karapatan sa ating teritoryo. 
Giit ni Locsin, hinding hindi isusuko ng bansa ang karapatan kahit ang pinakamaliit na bahagi sa WPS at hindi rin aniya tumitigil ang DFA sa paggiit ng karapatan ng Pilipinas sa China sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest.