Ipinahayag kahapon ni Cebu 1st Ditrict Rep Eduardo Gullas na maging ang iba ring mga naging presidente ng bansa matapos ang EDSA revolution ay nag-appoint din ng mga retired generals
Sinabi ni Gullas na walang masama sa naging pasya ng enlistment ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga retiradong heneral sa government service lalu na kung ang mga appointee ay mga graduate ng Philippine Military Academy o PMA.
Ayon pa sa solon, kung titingnan natin ang America sa kasalukuyan, mga West Point alumni ang mga nagsi-serve sa iba’t ibang mga kapasidad, maging sa pamahalaan man o sa pribadong sektor doon na karamihan ay bilang mga administrator sila.
Ang West Point na tinutukoy ni Gullas ay ang U.S. Military Academy na ayon sa kanya, ang mga graduates nito ay nagpi-perform ng mataas sa mga purong civilian functions bilang mga executives ng ilang mga malalaking korporasyon sa Estados Unidos.
Mariing sinabi ng solon na hindi umano makatarungang sabihin ng mga kritiko ng Pangulo na ‘militarizing government’ o ‘undermining civilian supremacy over the military’ ang pag-nombra sa mga retired generals na pamunuan ang ilang mga executive departaments.
Idinagdag pa ni Gullas na sa umpisa pa lamang, ang mga heneral na ito ay mga naging sibilyan matapos silang ma-discharge sa kanilang mga active military service dahil retirado na sila.