Wednesday, August 21, 2019

Speaker Cayetano: Hindi makalusot ang mga “parking funds” sa 2020 National Budget

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na imposibleng magkakaroon ng  "parking funds" sa panukalang P4.1 Trillion pesos na pambansang pondo para sa taong 2020. 
Ayon kay Speaker Cayetano, hinding hindi  nila hahayaan na  makalusot ang tinatawag na  "parking funds" o yung mga pondong inilalaan sa mga piling distrito na hindi nalalaman ng kongresistang nakakasakop dito.
Idinagdag pa ng lider ng Kamara, hindi nila kokonsintihin ang ganitong uri ng Kurapsyon at tiniyak na paiiralin ang transparency  upang masiguro na walang nakatagong pondo o pabor na  ibibigay sa sinumang kongresista. 
Kasabay nito, tiniyak naman ni Acting Budget Sec. Wendel Avisado ang patas sa distribusyon ng mga proyekto sa bawat distrito batay sa nakapaloob sa isinumeteng nilang budgejt proposal.
Una nang lumutang  ang isyu matapos mapag-alaman na  may P55 Billion na parking funds ang isiningit noon 2019  budget bilang pabor sa ilang mga kongresista.