Nais ng Kamara de Representantes na maaprubahan ang budget para sa sususnod na taon ng maaga upang hindi na mabalam ito kagaya ng laang pondo para sa 2019 na naging sanhi ng pagbagal ng economiya ng bansa.
Dahil dito, nakipagpulong si House Majority Leader Martin Romualdez kay House Appro Ctte Chair Davao City 3rd District Rep Isidro Ungab, kasama sina Deputy Speaker Prospero “Butch” Pichay, at Reps. David Suarez, Joey Salceda and Fredenil Castro, para pag usapan ang pagpasa ng Budget 2020 bago magtapos ang buwan ng Oktobre ng taong kasalukuyan.
Nangako naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kanila umanong tatapusin ang Budget 2020 bago mag-December.
Matatandaang ipinasa ng Kamara ang 2019 Budget Nobyembre noong nakaraang taon sa gitna ng mga krotrobersiya hinggil sa mga insertions at kahit ito ay naaprubahan na, bagamat hirap pumasa sa Bicameral Conference Committee.
Sinabi naman ni DBM OIC Janet Abuel na kanila nang ipasa sa Kongreso ang National Expenditure Program sa lalung madaling panahon.