Nagpahayg ng pakikiramay ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa trahedyang idinulot ng malalakas na lindol sa Batanes kung saan ay 9 ang nasawi at maraming iba pa ang sugatan.
Sa House Resolution 139 nina House Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Bienvenido Abante, Jr., ipinaaabot ng Kamara ang simpatya sa mga naulilang pamilya, sa mga patuloy pang nagpapagaling at pilit na bumabangon kasunod ng insidente.
Kasabay nito, umapela ang Kapulungan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at sa katulad na mga organisasyon na bilisan ang paghahatid ng humanitarian assistance at pagpapabalik sa normal na pamumuhay ng mga apektadong lugar.
Maliban sa mga nasawi at nasugatan, malaki rin ang iniwang pinsala ng mga pagyanig sa mga bahay, lansangan at iba pang imprastruktura sa lalawigan.