Pinasalamatan ng mga opisyal ng barangay sa buong bansa ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso na magpasa ng panukalang magpapaliban sa eleksiyon ng mga opisyal barangay at sangguniang kabataan at sinabi na ito ay makapagbibigay ng pagkakataon sa kanila na makapukos sa kanilang paninilbihan sa kanilang mga constituents at hindi sila madistracted sa polotika.
Sinabi ni Isabela 1st Distric Rep Faustino “Inno” Dy V, dating Pangulo ng Liga ng mga Barangay, na nakatatanggap siya ng mga tawag at mensahe galing sa nasabing mga opisyal na malugod nilang tinatanggap ang pronouncement ng Pangulo.
Matatandaang nanawagan ang Pangulo sa Kongreso sa kanyang State of the Nation Address o SONA na pag-aralan ng maigi ang pag-postpone ng May 2020 Barangay and SK Elections na gagawing October 22, 2022 na upang maiwasto o i-rectify ang truncated terms.
Idinagdag pa ni Dy na sa panahong talakayin sa komite ang kanyang HB 47 at iba pang mga kahalintulad na panukala, bukas umano siya na anumang mga proposal hinggil sa kung kailan ang eleksiyon idaos batay na rin sa mungkahi ng Pangulo.