Saturday, August 24, 2019

Posibleng pagpapahinto ng mandatory contribution sa mga ahensiyang pamalaan

Pabor si  Philippine Charity Sweepstakes Office o (PCSO) General Manager Royina Garma na tanggalin na ang  mandatory contributions ng PCSO  sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ito ay para mas mapalawak pa aniya ang pagbibigay tulong ng ahensya sa mga benepisyaryo tulad ng medical assistance na sakop  ng Universal Healthcare Law. 
Na maitutiring namang  praktikal na hakbang para sa PCSO dahil may sa may kanya kanya  namang  pondo ang mga ahensya.
Kaugnay nito ay  maghahain naman ng panukalang batas si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves para hindi na maobliga ang PCSO na maglaan ng alokasyon sa government agencies.
Kabilang sa mga  ahensya na may nakukuhang direct contribution sa PCSO ang  Commission on Higher Education, Dangerous Drugs Board, Philippine Sports Commission at Philippine Crop Insurance  Corporation.
Batay sa datos ng ahensya umabot na sa P13.92 billion ang nairemit ng PCSO sa mga nasabing ahensya mula taong  1998 hanggang June 2019.