Friday, August 16, 2019

Posibleng paglobo ng ATM fees, busisiin sa Kamara


Pinabubusisi sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang naka ambang singkuwenta porsyentong pagtataas ng bayad o fees sa mga transaksyon sa automated teller machine (ATM).

Kasunod ito ng ipinalabas na memorandum ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nag-aalis ng moratorium sa dagdag na singil sa mga ATM fee.

Sa House Resolution 210 na inihain ni Makati Rep. Luis Campos, nais nitong maungkat ng komite ang posibleng pagtaas ng singil sa interbank withdrawal at balance inquiry sa mga ATM machine.

Layunin nitong protektahan ang karapatan ng mga ATM user.

Giit ni Campos, may mga pagkakataong sa pinakamalapit na ATM machine na nagsasagawa ng kanilang bank transactions ang publiko kahit hindi ito ang kanilang bangko kaya't mayruon itong fees.

Tiyak aniyang maaapektuhan nito ang nasa 58 million ATM cardholders lalo na ang nasa 4.1 milyon na minimum wage earners na mga Pilipino na sa ATM kumukuha ng sweldo.

Kung maipapatupad ang gusto ng mga bangko na 50% charge sa bawat transaction, ang dating P10 hanggang P15 na single interbank withdrawal transaction ay aakyat na sa P15 hanggang