Tuesday, August 06, 2019

Patas na talakayan tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan, tiniyak ni Cayetano


Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa publiko na magiging patas ang talakayan ng Mababang Kapulungan sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan. 
Sinabi ni Cayetano na bibigyan ng Kamara ng "healthy debate" ang publiko maging sila man ay pro o anti sa panukala. 
Ayon pa kay Cayetano, bibigyan ng sapat na oras ang lahat na mga stakeholders na makapagsalita ng malaya sa kani-kanilang posisyon sa death penalty at hahayaang magbigay ng solusyon kung papaano mababawasan ang krimen sa bansa.
Matatandaang nakalusot noong 17th Congress sa Mababang Kapulungan ang panukalang pagbabalik ng death penalty pero hindi naman ito nakausad sa Senado. 
Muling inihain ngayong 18th Congress sa dalawang Kapulungan ang parusang kamatayan matapos na mabanggit ito ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.