Tuesday, August 06, 2019

Panukalang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers nina House Speaker at Rep Laarni Cayetano at Rep Paolo Duterte, itinulak


Itinulak ngayon sa Kamara de Representanters nina House Speaker Alan Peter Cayetano, Rep Laarni Cayetano at Rep Paolo Duterte ang pagtatatag ng isang ahensiya na magbibigay ng integrated, mas komprehensibo at sustainable na approach upang matugunan ang mga problema na may kaugnayan sa mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat at kanilang mga pamilya.
Inihain ng tatlong mambabatas ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers and Foreign Employment upang maseguro na ang ahensiya ay makapag-manage, makapa-harmonize at makapag-papatatag ng kasalukuyang mga palisiya at programa hinggil sa migration.
Sinabi ni Speaker Cayetano na sa ilalim ng pinag-isang departamento, ang delivery of services at ang pagbibigay ng tulong sa mga overseas workers ay maging mas mabilis, mas nakatutugon at mas episiyente.
Sa kasalukuyan, mayroong limang major agencies na may mga mandato hinggil sa overseas employment at overseas Filipino concerns, at ito ay ang mga sumusunod: Department of Labor and Employment (DOLE), ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang Commission on Filipinos Overseas (CFO), at ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng Department of Foreign Affairs (DFA). 
Ayon pa sa Speaker, dahil wala umanong isang ahensiya na tumutugon sa mga pangangailngan ng foreign employment, naging mahirap para sa pamahalaan na mag-focus sa mga pngangailangan at mga demands ng migration sa pangkalahatan at ng mga OFWs sa pang-partikular.
Naniniwala ang dating Kalihim ng Department of Foreign Affairs na ngayon ay Speaker na na sa lumalaking pangangailangan at hamon na kinakaharap ng mga Overseas Filipinos, kailangan umano magkaroon ng isang mas malaking Overseas Filipino Assistance Fund kumpara sa kasalukuyang pinatutupad na mga tulong pinansiyal ng gobyerno.