Tuesday, August 06, 2019

Panukalang diborsyo, tinutulan


Mariing tinututulan ni CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang isinusulong ng ilang mga mambabatas na panukalang batas na sumusulong ng diborsyo sa bansa. 
Sinabi ni Villanueva na bukod sa Vatican kung nasaan ang Santo Papa ay nakahimpil, tanging Pilipinas na lamang umano ang bansa sa buong mundo na walang diborsyo. 
Ayon pa kay Villanueva, ang ating bansa na lamang ang natatanging rumerespeto sa batas ng Diyos kung kaya’t bakit naman umano na hahayaan nating maimpluwensyahan at pasukan tayo ng mga diumanong demonyo. 
Bilang isang Kristiyanong bansa, naniniwala ang kongresista na dapat pangalagaan ang kasagraduhan ng pag-aasawa at pagpapa-kasal. 
Sa kabilang dako naman, ilang kongresista na ang naghain ng divorce bill ngayong 18th Congress at kabilang dito sina Albay Rep. Edcel Lagman, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at ang Gabriela Partylist Representative.